Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maria Ozawa says she wants to stay in PHL for good


Kasalukuyang nasa Pilipinas ang Japanese actress na si Maria Ozawa para sa 2015 Metro Manila Film Festival entry na “Nilalang” kung saan siya bibida kasama sina Cesar Montano, Meg Imperial, Aubrey Miles, at marami pang iba.

Aminado ang dating adult film star na nagustuhan niya ang panandaliang pananatili sa bansa, at kung magkakaroon ng pagkakataon ay nais niyang dito na manirahan.

Aniya sa panayam ng “CelebriTV” nitong Sabado nang tanungin kung sa Pilipinas na niya gustong manirahan, “Oh my god, yes!”

Sa naunang panayam, pinuri ng foreign actress ang kabaitan ng mga Pinoy, pati na ang magandang tanawin sa bansa at ang mga masasarap na pagkain.

“The Philippines is now really like my second home. Everyone is so nice. I really like it here. I really do! Now I know it takes two hours to get to everywhere here. It’s okay!” ayon pa sa kaniya.

Dagdag pa niya, “I actually like the weather here because in Japan, it’s so cold, and we only have three months of summer there. I also enjoy the food here, except for balut, I couldn’t handle. But everything else, I love.”

Nais rin daw ni Maria na magkaroon ng Filipino boyfriend, lalo na ngayong nakatakda siyang magdiwang ng Pasko sa bansa.

Bukod sa pagiging mabait at maginoo, ibinahagi rin niya ang mga pisikal na katangiang hinahanap niya sa maaari niyang maging kasintahan.

“He has to be taller than me. He has to be funny and he definitely has to be sporty. Any kind of sport as long as I can play along with him,” paliwanag ng aktres.

Dagdag pa niya sa naunang panayam, “I will be spending my first Christmas here in the Philippines, so I do hope I get that somebody before Christmas. I don’t want to spend Christmas alone!”
 

— Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News

Tags: mariaozawa