Filtered By: Showbiz
Showbiz

Red carpet jitters for Maine as huge crowd turns up at 'My Bebe Love' premiere


Muling pinatunayan ng AlDub Nation na kakaibang suporta at pagmamahal ang kaya nilang ibigay sa phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza sa bawat project na pagbibidahan ng dalawa.

Nitong Lunes, naganap ang premiere night ng 2015 Metro Manila Film Festival entry na "My Bebe Love" at isa sa top trending topic sa Twitter ang #MyBebeLovePremiereNight

Kitang-kita sa tweets ng lahat ng tagahanga ng AlDub ang kanilang suporta, mula sa mga nakasubaybay sa social media hanggang sa mga personal na nagtungo sa mall kung saan magaganap ang premiere night.

Full support rin ang buong pamilya at mga kaibigan nina Maine at Alden mula sa loob at labas ng showbiz.

 

Proud na proud rin ang direktor ng pelikula na si Jose Javier Reyes, na nagbigay ng ilang premiere night tickets sa ilang masuwerteng fans.

Sa Instagram post naman ni Nelson Canlas, ibinahagi niyang sweet na sweet ang AlDub sa kanilang kauna-unahang paglalakad sa red carpet ng isang premiere night nang magkasama.

Kabilang ang "My Bebe Love" sa walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon, na ipapalabas sa araw ng Pasko.

 

Kaya naman si Maine Mendoza, tila kinabahan daw, ayon sa ulat ni Nelson Canlas.

 

Buti na lamang, present si Alden upang alalayan ang dalaga. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

LOADING CONTENT