Filtered By: Showbiz
Showbiz

'My Bebe Love' draws box office lines in Australia


Patuloy na tinatangkilik ng mga manonood ang Metro Manila Film Festival 2015 3rd Best Picture na “My Bebe Love #KiligPaMore” sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

Kita sa video na kuha ni Renee Emata kung paano pinipilahan ang pelikula maging sa Sydney, Australia.

Aniya, hindi pa sila nakanood sa unang araw ng showing dahil soldout na ang tickets hanggang last full show, at maging sa ikalawang araw ay mahaba pa rin ang pila para sa naturang pelikula.

Bumibida sa pelikula ang phenomenal loveteam nina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen and Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza, kasama sina Bossing Vic Sotto at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas.

Kabilang ang “My Bebe Love #KiligPaMore” sa apat na top-grossing films na MMFF 2015, at ayon kay GMA Films President Annette Gozon-Abrogar, umabot na sa halos P300 million ang total gross ng pelikula nitong Sabado, January 2.

Dahil sa magandang pagtanggap sa mga pelikulang kalahok sa film festival, posibleng malampasan ngayong taon ang P1.1 billion box office record ng MMFF noong 2014, ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

Tags: aldub, mybebelove