ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Daya o totoo?

WATCH: Ken Chan, nagkuwento sa kissing scene nila ni Fabio Ide sa 'Destiny Rose'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa mataas na rating, extended ang GMA Afternoon Prime series na "Destiny Rose" na pinagbibidahan ni Khen Chan. Si Ken, labis-labis ang pasasalamat sa suporta ng mga manonood.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabi ni Ken na hindi pa rin siya bumitiw nang husto sa kaniyang karakter sa bilang isang transwoman kahit nakabakasyon siya ng mahigit isang linggo.

Kaya naman hindi raw siya mahihirapan na mag-adjust sa muling pagsalang nila sa taping ng patok na afternoon series.

"Sa lahat po ng nagmamahal sa 'Destiny Rose,' dahil po sa inyo kung bakit po kami na-extend po. Supposedly dapat tapos na po kami pero dahil po sa mataas na rating na ibinibigay ng ating viewers, na-extend po kami," pasasalamat ni Ken.

Noong Lunes, ipinakita ang kissing scene nina Ken bilang si Destiny at ang ka-love team niyang si Fabio Ide na si Gabriel.

Kuwento ni Ken, nagulat daw sila ni Fabio dahil ang alam nila ay dadayain ang eksena. Pero kinausap daw sila ng kanilang direktor at sinabing dapat gawing makatotohanan ang kissing scene.

"Ginawa po namin yung kissing scene bilang isang aktor po talaga. Actually tito Lhar, after naming gawin yung scene, parehas kami ng sinabi ni Fabio," ani Ken.

"Sabi namin, 'wow, nakaka-satisfy.' Nakaka-satisfy bilang isang aktor na gawin yung ganu'ng klaseng eksena dahil hindi po biro bilang isang realidad naman eh lalaki sa lalaki," dagdag niya.

Dahil na rin sa husay at pagiging epektibo ni Ken bilang Destiny Rose, sinabi ng aktor na nakatatanggap na siya love proposal mula sa mga lalaki na sumusubaybay sa kaniyang social media account.

"Natatawa na lang ako kasi sa bahay hindi naman ako nakaganito (Destiny Rose). So 'pag nakikita ko, puwede ba kitang ligawan, sana ikaw na lang ang girlfriend ko, grabe," kwento pa niya. -- FRJ, GMA News