Filtered By: Showbiz
Showbiz

Former 'Kapwa Ko, Mahal Ko' host Mahal Del Mundo passes away at 80


Pumanaw na ang batikang aktres at host na si Cielito 'Mahal' Del Mundo nitong nakaraang Sabado, Enero 9, ayon sa kaniyang pamangkin at tagapagsalita ng pamilya na si Marites Martinez-Guevarra sa panayam ng DZBB ngayong Lunes.

Apat na araw umanong namalagi sa ospital ang “Kapwa Ko, Mahal Ko” anchor matapos siyang atakihin sa puso bago ito tuluyang namalaam.

 

 

Ayon sa kaniyang anak na si Maria Nueno sa isang text message, “At 7:40am, US Phoenix time, my mother Cielito 'Mahal'del Mundo passed away. Thank you everyone who offered their prayers.”

Mananatili sa Amerika ang mga labi ng 80-year-old veteran TV personality.

Bukod sa GMA News and Public Affairs program na “Kapwa Ko, Mahal Ko,” nakilala rin si Cielito sa kaniyang pagganap sa mga pelikulang “Langit Pa Rin Kita” noong 1967, “Mga Ibong Pipit” noong 1984, at “Basta Bisaya” noong 1970.

 

 

—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News