Yaya Dub shows off look, talent for Miss Barangay pageant
Pumayag na si Lola Nidora na sumali si Yaya Dub sa beauty pageant na Miss Barangay upang makatulong sa pang-araw-araw na gastusin nila at sa panggamot ng matanda.
Ngayong Miyerkules, inayusan ni Lola Tinidora ang dalaga upang ihanda ang magiging look nito para sa sasalihang pageant.
Suot ni Yaya Dub ang isang eleganteng black gown, at kasabay ng paglabas niya bilang isang beauty pageant candidate ang pagbabalik naman ni Alden sa Kalyeserye matapos ang panandaliang pagkawala sa “Eat Bulaga!” mula noong nakaraang linggo.
Muling nagpakilig ang dalawa ngayong todo-suporta ang Pambansang Bae sa sasalihang beauty pageant ng dalaga.
OMG! GANDA! GANOIN! #ALDUBTheBAEisBACK pic.twitter.com/srnTWn2vaR
— Clarencia (@mokong101) January 13, 2016 SWEET!d kiss????#ALDUBTheBAEisBACK @ReyesSherill @Anyaisaeve @WagasAldub @purpleheart0221 @jophie30 #ALDUBTheBAEisBACK pic.twitter.com/6RDu9zYNR1
— Aldubest© (@redchalkdust) January 13, 2016
Nag-practice rin si Yaya Dub para sa Question and Answer portion.
Nagsilbing judge si Alden sa dalaga at ang unang tanong nito ay ang kahalagahan ng social media, at ang follow-up question na “Na-miss mo ba ako?”
Tinanong rin ni Judge Alden si Yaya Dub kung ano ang ideal man nito, na nasundan rin ng follow-up question na “Sasagutin mo na ba ako?”
Tila hindi naman nagustuhan ni Lola Nidora ang Question and Answer na para umanong nauwi sa ligawan, kaya naman nang tinanong siya ni Alden kung puwede bang mag-date sila ni Yaya Dub sa Sabado kasabay ng kanilang 6th monthsary, sagot ni Lola Nidora, “Pag-iisipan ko. That's all.”
I do believe that social media can be effective tool in teaching today's youth for as long as we know its dangers #ALDUBTheBAEisBACK
— Eat Bulaga (@EatBulaga) January 13, 2016 And yes Mr Richards I did miss you. - Yaya #ALDUBTheBAEisBACK
— Eat Bulaga (@EatBulaga) January 13, 2016
Sunod namang ipinakita ni Yaya Dub ang ilan sa mga talent na puwede niyang gamitin para sa beauty pageant.
Kabilang na rito ang pagkanta, pagda-Dubsmash, at pag-arte.
Abangan ang magaganap na Miss Barangay sa Kalyeserye ngayong linggo, at kung mapapanalunan nga ba ni Yaya Dub ang korona at ang perang makakatulong sa kanilang pamilya.
Proud BF(F) *titig sabay ngiti pa more* Ganda ng Boses ni Meng! @aldenrichards02 @mainedcm #ALDUBTheBAEisBACK pic.twitter.com/MYKDa5S55d
— ALDUB|MAIDEN NATION (@MaineAlden16) January 13, 2016
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News