ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'JUST A CELEBRATION OF UNION'

Solenn denies marriage; says she's still a Heussaff


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Itinanggi ng Kapuso actress na si Solenn Heussaff na ikinasal sila ng kaniyang kasintahan na si Nico Bolzico nitong nagdaang Disyembre kasabay ng kanilang bakasyon sa Argentina.

"Celebration lang for the union. Kasi yun, wala pang celebration since the engagement.... Single ako technically," ani Solenn sa ulat ni Lhar Santiago sa "24 Oras."

"No. Heusaff ako," sagot niya nang tanungin kung Mrs. Bolzico na siya.

Matatandaang pinag-usapan sa social media ang kanila umanong pagpapakasal noong December 29 matapos kumalat ang sunod-sunod na Instagram at Snapchat posts ng kaniyang mga kaibigan, kabilang na sina Isabelle Daza, Georgina Wilson, at marami pang iba.

Kabilang sa mga labis na pinag-usapan ang kumalat na larawan kung saan makikitang nakaharap si Solenn at Nico sa isang judge, at ang isa pang larawan na mayroon namang caption na “Mr. and Mrs. Bolzico.”

Nag-post rin ang designer na si Boom Sason tungkol sa kaniyang obrang gown na isinuot umano ni Solenn para sa kaniyang civil wedding reception sa Argentina.

"When the big day happens, I promise, GMA will be the first to have all the videos," ani Solenn.

Pumunta raw si Solenn at ang kaniyang pamilya sa Argentina upang magbakasyon kasama ang kanilang mga kaibigan.

Sa araw daw ng kasal ng Kapuso actress, nais niyang lumakas sa aisle ng simbahan, at magiging proud bride-to-be umano siya sa oras na mayroon nang tiyak na date at venue para sa seremonya.

Nais ng magkasintahan na magpakasal sa France bago magtapos ang taon. —Bianca Rose Dabu/NB, GMA News