ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
MAY PAKIUSAP DIN SA PUBLIKO

Ciara Sotto, bumalik na sa bahay ng kaniyang mga magulang


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa harap ng mga balitang may personal na pinagdadaanan ang singer-actress na si  Ciara Sotto, isang mensahe ang inilagay niya sa kaniyang Instagram account para makiusap sa publiko.

Sa naturang post, inamin ni Ciara na naging mahirap para sa kanila ng kaniyang anak ang nagdaang mga linggo. Umalis na rin daw siya sa kanilang bahay at bumalik sa bahay ng kaniyang mga magulang na sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa.

Sa kabila ng pinagdadaanan, naniniwala si Ciara na makakakuha rin siya ng lakas sa tulong ng Maykapal.

Sa ngayon, nais daw muna niyang maging pribado ang kaniyang pinagdadaanan at humingi siya ng pang-unawa sa publiko.

Nagpasalamat din siya sa mga nagpaabot ng suporta sa kaniya.

Taong 2010 nang ikasal si Ciara sa kaniyang longtime boyfriend na si Joe Oconer. At nitong nakaraang taon ay isinilang niya ang panganay nila na si Vincezo Xose.

Read: Ciara Sotto to tie knot with longtime bf in 2010

 

--FRJ, GMA News

Tags: ciarasotto