Ciara Sotto hints at third party as cause of marital problems
Kamakailan lamang, ibinahagi ng aktres na si Ciara Sotto na bumalik siya sa bahay ng kaniyang mga magulang na sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa dahil sa ilang pagsubok na pinagdaraanan ng kaniyang sariling pamilya.
Hindi pa man kinukumpirma ni Ciara ang dahilan ng panandaliang paghihiwalay nila ng kaniyang asawang si Jojo Oconer, mapapansin na ang mga pinakabagong post ng aktres sa social media ay patungkol sa pagtataksil o third party.
Sumasagot rin ito sa mga netizens na nagpapaabot ng kanilang suporta at pagmamahal sa kaniya ngayong may pinagdaraanan siyang unos.
"Hell hath no fury like a woman scorned."
— Ciara Sotto (@ciara_anna) January 17, 2016
Ayon sa netizen na si Kara De La Rosa, “'Pag may mabaho, may basura. 'Pag guilty, maang-maangan school of acting.”
Sinagot naman ito ni Ciara ng maikling, “AY SINABI MO!”
Sumang-ayon rin ito sa quote na “It takes a real man to realize that one woman is enough,” na ipinadala rin sa kaniya ng kaniyang follower sa social media.
Nag-retweet rin si Ciara ng isang balitang may headline na “Scorned wife beats up her husband’s alleged mistress before throwing her off a BRIDGE.”
@mahazelgarcia i agree with the quote :-) thanks! ????
— Ciara Sotto (@ciara_anna) January 19, 2016 AY SINABI MO! https://t.co/e7mDb8jBcw
— Ciara Sotto (@ciara_anna) January 17, 2016 Scorned wife beats up her husband’s alleged mistress before throwing her off a BRIDGE https://t.co/X4Mee5HdLn pic.twitter.com/jQq0EiLCfR
— Daily Mail Online (@MailOnline) January 18, 2016
Sa mga naunang pahayag, hiniling ni Ciara na hayaan ng publiko na maging pribado ang kaniyang pinagdadaanan at humingi siya ng pang-unawa sa publiko.
“The truth is painful, but it is what it is. I know that the Lord will strengthen me after this. I prefer to keep my privacy at this time & I would appreciate the public respecting this. Thank you to those who are sending me messages of support and encouragement,” aniya.
Taong 2010 nang ikasal si Ciara sa kaniyang longtime boyfriend na si Joe Oconer. At nitong nakaraang taon ay isinilang niya ang panganay nila na si Vincezo Xose. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News