ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'AKALA KO AKO SIYA'

Maine amused by 'exact lookalike'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagtungo sa Cebu nitong nakaraang linggo ang Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza bilang bahagi ng isang endorsement.

Kasunod ng sandali niyang bakasyon sa isang beach resort matapos ang isang meet-and-greet event, ibinahagi ng “Eat Bulaga!” host at “Princess in the Palace” actress ang nakakatuwang karanasan niya nang makita ang kaniyang ka-lookalike.

Aniya sa isang tweet nitong Linggo, “I am creeped out, this is the first time that I've seen someone who looks EXACTLY just like me.”

“Akala ko ako siya, tawang tawa ako! Yikes!” dagdag pa niya.

 

 

Hindi man nagbahagi ng larawan si Maine, maraming netizens ang nag-post ng mga larawan ng isang babaeng kamukha nga ng dalaga.

Kinilala ang lookalike na ito bilang si Kissiel Solis, at aniya sa isang Facebook post, “solid AlDub fan” raw siya. https://www.facebook.com/mariekissiel.solis

 

 

—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News