Pagbabalik ng 'Wowowin,' magandang birthday gift kay Willie Revillame
Isang magandang birthday gift kay Willie Revillame ang pagbabalik sa telebisyon ng game show niyang "Wowowin," na bukod sa lalong pinasaya, araw-araw na ring mapapanood.
Sa "Starbites" ng GMA News Balitanghali nitong Huwebes, sinabing naging star-studded at nag-ala concert venue ang tahanan ni Willie nang magdiriwang ng kanyang kaarawan.
Kabilang sa mga dumalo sa kanyang birthday party ang anak ni Willie na si Meryll Soriano, at ilang malalapit niyang kaibigan sa industriya.
Nandoon din ang mga staff ng programa niyang "Wowowin" na mapapanood na araw-araw bago mag-"24 Oras."
Naghandog naman ng awitin ang ilang Kapuso singer tulad ni Jonalyn Viray.
Dumalo rin ang ilang GMA Entertainment Executives.
Wish naman ni Meryll para sa kanyang daddy Willie ang mahusay nitong kalusugan. -- FRJ, GMA News