ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'WALA NANG ALISAN'

Eat Bulaga inks new contract with GMA Network


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sama-sama ang mga host ng "Eat Bulaga!" at executives ng TAPE Inc. sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA Network nitong Huwebes ng hapon.

Naroon sina TAPE Inc. President and COO Antonio P. Tuviera, TAPE Inc. Senior Vice President Malou Choa-Fagar, "Eat Bulaga" Director Poochie Rivera, at "Eat Bulaga!" Creative Head Jenny Ferre.

Kasama rin sa contract signing ang mga batikang host na sina Joey de Leon, Tito Sotto, Jimmy Santos, Ruby Rodriguez, Allan K., Pia Guanio, Patricia Tumulak, at Anjo Yllana.

Hindi rin nagpahuli sa pagpapakita ng kanilang suporta ang mga bida na Kalyeserye na sina Maine Mendoza, Alden Richards, at nina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo bilang Lola Nidora, Tidora, at Tinidora.

 

 

Ito ang unang beses na nakasama si Maine sa contract signing ng "Eat Bulaga!" at nagsilbi na nga rin itong pagkakataon upang pormal na maipakilala ang phenomenal AlDub loveteam sa mga tagapamahala ng GMA Network, sa pangunguna ni GMA Chairman and CEO Felipe L. Gozon.

"Ito ang pagkakataon para makilala sila ng ibang executives. Magkahiwalay kasi lagi—nasa Broadway sila tapos nandito kayo. It's paying respect sa ating big bosses," ayon kay Mr. Tuviera.

Masaya naman daw sina Maine at Alden na patuloy ang pagiging Kapuso ng longest-running noontime show na kinabibilangan nila.

Pahayag ng Pambansang Bae, "We are giving our full support to the show because it has give us so much, and for sure, marami pang magandang mangyayari sa mga taong darating sa GMA and sa Eat Bulaga!"

Nagpapasalamat rin ang JoWaPao sa patuloy na pagtitiwala ng Kapuso Network sa "Eat Bulaga!" at sa mga bumubuo nito.

"Siguro wala na talagang alisan. Dito na talaga ang Eat Bulaga! sa GMA," ani Jose. —JST, GMA News