ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vic Sotto on the morning of wedding day: “Parang hindi totoo”


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kitang-kita ang kaligayahan sa batikang host-actor at groom-to-be na si Bossing Vic Sotto ngayong Sabado ng umaga, ilang oras bago ang kasal nila ng kasintahang si Pauleen Luna.

Ayon kay Vic, ngayong lamang nagsi-sink in sa kaniya na dumating na ang araw ng kasal nila ni Pauleen.

“Hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw ng kasal namin ni Pauleen. Parang hindi totoo. Alam ko totoo, pero... Siguro dahil na rin sa—hindi naman kaba, more of excitement,” paliwanag ng “Eat Bulaga!” host.

Magaganap ang kasalang Bossing at Pauleen ngayong Sabado, January 30.

 

 
The Wedding Day - Vic

Vic's first thought in the morning of their wedding day :)

Posted by Eat Bulaga on Friday, January 29, 2016

 

—Bianca Rose Dabu/ALG, GMA News