ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Friends, family share how relationship with Vic Sotto changed Pauleen Luna


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
Gaya ng magkasintahang Vic Sotto at Pauleen Luna, nasasabik na rin ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa kanilang kasal ngayong Sabado, January 30.
 
Ayon sa mga kaibigan ni Pauleen na sina Leah Camille Agcaoili at Franchesca Que, masaya sila na nagkatuluyan ang dalawa dahil kitang-ktia raw sa kanilang kaibigan ang kaligayahan mula nang maging magkasintahan sila halos limang taon na ang nakararaan.
 
“She really fell for Vic,” maikling panimula ni Leah.
 
Dagdag naman ni Franchesca, “Ito na ang happiness niya. We've never seen her happy like that.”
 
Maging sa pamilya ni Pauleen, halata rin daw sa Kapuso actress ang magandang epekto sa kaniya ng relasyon nila ng batikang host-comedian.
 
Sa katunayan, halos hindi na nga raw nagsawa ito sa pagkukuwento tungkol kay Vic.
 
Ayon sa kapatid ni Pauleen, “To be honest, every time umuuwi siya from work, nakita ko na masaya siya. Lagi siyang nakangiti. Positive energy. Lagi siyang nagkukuwento about Vic.”
 
“(Puro siya) Vic, Vic, Vic. From there, nakita namin na sobrang in love at sobrang saya niya,” dagdag naman ni Mommy Chit.
 
Malaki rin daw ang ipinagbago ng bride-to-be mula nang makarelasyon nito so Bossing.
 
“I would say there were a lot of changes, but positive ones. We saw how she grew into this feisty woman na talagang ready. Naging masayahin siya ngayon, lively, positive,” kuwento ni Leah Camille.
 
Naniniwala ang magkaibigan na ito na ang tamang panahon para kay Pauleen at Bossing, at kampante sila na magiging masaya ang buhay mag-asawa ng dalawa.
 
Ayon kay Franchesca, na maid of honor ni Pauleen, “Ito na ang tamang panahon for both of you. You really waited for the right time and the right guy to come. Nakita ko talagang love na love niyo ang isa't isa. Three important things that must be present in every relationship are honesty, trust, and respect.”
 
“For Vic, huwag mong pababayaan si Pauleen. Alam namin na lagi mo siyang pasasayahin,” dagdag pa niya.
 
Gayundin ang nararamdaman ng pamilya ng aktres, kaya naman kahit na nahirapan sila sa pagbukod ni Pauleen ngayong ikakasal na siya, maluwag rin sa kanilang kalooban ang pagpapalaya rito.
 
Ayon sa kapatid ni Pauleen, “Kita kong masaya sila sa isa't isa. Nagkakaintindihan sila kapag nagkukuwento si ate ang kung magka-problema man, minimal at inaayos nila agad. Nakakalungkot na aalis na siya but lagi ko naman silang guguluhin sa bahay nila.”
 
“Treat your husband like a king. Alagaan ang sarili at gawing center ng relationship si Lord,” payo naman ni Mommy Chit.
 
Halos limang taon ang inabot ng relasyon nina Vic at Pauleen bago sila mag-desisyon na magpakasal ngayong Sabado, January 30, 2016.
 
Matapos ang kanilang kasal, sandaling magpapahinga ang dalawa mula sa kanilang showbiz projects upang makapag-honeymoon sa Maldives. — APG, GMA News