Vic Sotto and Pauleen Luna are now married
Naganap na ngayong Sabado ng gabi, Enero 30, ang pribadong pag-iisang dibdib ng "Eat Bulaga" dabarkads na sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa.
Ang kasal ay pinamahalaan ni Father Jeffrey Quintela, na siyang nagbasbas din sa bagong tahanan ng mag-asawa.
#MrAndMrsSotto
Posted by Eat Bulaga on Saturday, January 30, 2016
daliiiii 15secs lang toh -ciara hahahaha bilisan mo bossing #MrAndMrsSotto
A video posted by angie capistrano (@iamangiepcaps) on
Bago ang kasal, sinabi ni Vic sa "Eat Bulaga" special na ngayong araw lang nag-sink in sa kaniya na ikakasal na sila ni Pauleen.
“Ilang araw kong hindi iniisip. Sinusubukan ko i-deadma. Pero, paggising ko kanina, naisip ko na, 'Aba, totoo na pala ito,” ani Bossing. "Noong mga nakaraang linggo, parang hindi totoo. Ang dami naming inaasikaso ni Pauleen. Before this, busy kami at ang dami naming pinagkakaabalahan. Kaninang umaga lang nag sink-in sa akin na ito na pala. Ngayon na pala.”
Nakahanda na raw ang regalo niya kay Pauleen pero ang pinakamahalagang regalo daw maibibigay niya sa kabiyak ay ang pangakong, "magsasama kami habambuhay."
A video posted by FrancisLibiran8 (@francislibiran8) on
Sinabi naman ni Pauleen sa hiwalay na panayam na, “We've prayed for this for quite a while. Marami na rin tayong napagdaanan. I am so blessed that I'll be sharing this life with you, and I'm so happy that I've found my home in you.”
Kabilang sa wedding sponsor sa kasal sina Senator Tito Sotto at Mrs. Carmencita Garcia; Eat Bulaga! executive Tony Tuviera at misis niyang si Madeleine; at sina Joey de Leon at Dr. Salvacion Gatchalian.
Ang kaibigan ni Pauleen na si Franchesca Que ang Maid of Honor at Matron of Honor naman si Ruby Rodriguez.
Ang anak ni Vic na si Vico Sotto ang Best Man. Kasama naman bilang Groomsmen ang mga kapatid ni Vic na sina Val and Maru Sotto, at mga EB Dabarkads na sina Anjo Yllana, Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.
Bridesmaids naman si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, kasama kasama sina Anne Margaret Luna, Leah Camille Agcaoili, at Mara Isabel Sotto.
Candle sponsor ang isa sa anak ni Vic kay Angela Luz na si Paulina Sotto, ka-partner ang kapatid ni Pauleen na si Miguel Mario Luna. Veil sponsors ang mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, at Cord sponsors sina Oyo Sotto at ang misis nitong si Kristine Hermosa.
Ring bearer naman ang anak nina Marc at Danica na si Jean Michel Pingris at coin bearer ang anak nina Oyo at Kristine na si Kristian Daniel Sotto. Ang ang apo ni Sen Tito na si Alessandro Jose Sotto ang Bible bearer at Rosary bearer naman si Marciano Dominico Antonio.
Nagsilbing flower girl si Ryzza Mae Dizon, kasama si Ellenor Rose Lagrio at ang anak nina Marc at Danica na si Anielle Micaela Pingris at anak nina Oyo at Kristine na si Ondrea Bliss Sotto. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News