ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alamin ang plano ng ilang celebrity sa Araw ng mga Puso


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Gaya ng ibang nagmamahal, may plano na rin ang ilang celebrity sa Valentine's Day para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay. 

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, may mga Kapuso na matataon na mayroon silang trabaho sa Valentine's day gaya ni Solenn Heussaff na bida sa Graded A movie na "Lakbay2Love," katambal si Dennis Trillo.

"Nasa Paris ako for Valentine's for GMA Pinoy TV.  May Euro tour kami so one day sa London, one day sa Paris, one day sa Denmark, tapos one day sa Rome, tapos balik-Manila," ani Solenn.

Sinabi naman ni Dennis na 'di pa sila nakakapagplano ni Jennylyn Mercado sa araw ng mga puso.

Si Rochelle Pangilinan na abala sa promo ng una niyang indie movie na "Tandem," kung saan kasama niya sina Nico Antonio at JM De Guzman,  buo na ang plano sa Valentine's day kasama ang nobyong si Arthur Solinap.

"May aattendan (attend) kaming kasal. Siguro ia-adjust na lang namin ang aming pagde-date, mga Feb 20, manonood ulit kami ng 'Tandem,'" saad ni Rochelle.

Samantala, bukod sa Valentine's season ang Pebrero, birthday month din ito ni Lovi Poe.

Timing daw na may concert sila ni Solenn sa Music Museum na "Fantaisie" sa February 6.

Pero hindi pa niya masabi kung magkakaroon sila ng date ni Rocco Nacino sa Feb. 14, bunga na rin ng mga balitang hindi totoong naghiwalay na sila.

Nang tanungin kung may date na ba sila ni Rocco para sa kaniyang birthday sa Feb. 11 o Valentines date, tugon ni Lovi, "Let's see na lang po what happens. Maybe through Instagram you'll find out what happens on Valentine's day. -- FRJ, GMA News