ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

TEASER:  'Multo Ni Ella,' naghahanap ng katarungan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa darating na Sabado sa Magpakailanman, tunghayan ang nakakakilabot na kuwento ng sinasabing multo ng isang dalagita na biktima ng karumal-dumal na krimen dahil sa iligal na droga.

Si Elmer ay isang mabait at ulirang anak. Siya ang nagbabantay sa kaniyang nakababatang kapatid tuwing wala ang kanyang mga magulang.

 
Magpakailanman: Multo ni Ella

Ngayong Sabado sa Magpakailanman presents "Multo ni Ella":Official hashtag: #MPKMultoNiElla

Posted by GMA Network on Friday, February 5, 2016

Subalit nagbago ang pag-uugali ni Elmer nang malulong siya sa iligal na droga.

Nagawa niyang halayin at mapatay ang dalagitang si Ella, ang kaibigan ng kaniyang nakababatang kapatid.

Matapos mailibing si Ella, inakalang tapos na ang lahat. Ngunit isang araw, nagsimulang magparamdam ang kaluluwa ni Ella para humingi ng katarungan.

Papaano aaminin ni Elmer ang krimen na kanyang ginawa? Paano matatahimik ang kaluluwa ni Ella? Makamit pa kaya niya ang hustisya?

Ang Magpakailanman Present: Ang Multo Ni Ella ay pinangungunahan nina Jeric Gonzales at Kyle Ocampo bilang si Ella.

Sa ilalim ito ng direksyon ni Michael De Mesa, mula sa panulat ni Mickiko Yamamoto at pananaliksik ni Stanley Pabilona.

Mapapanood ang Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto. -- FRJ, GMA News