ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Former 'Sexbomb Girl' Aira Bermudez and husband share love for dancing


Nakilala si Aira Bermudez bilang isa sa mga miyembro ng sikat na dance group na Sexbomb Girls, na bumida na rin sa ilang pelikula at sa sarili nilang Kapuso afternoon series na “Daisy Siete,” na may anim na taong napanood sa GMA.

Naghiwa-hiwalay man ang mga miyembro ng nasabing grupo, hindi nawala ang pagmamahal ni Aira sa pagsasayaw.

Sa katunayan, isang mananayaw din ang napangasawa ni Aira, ayon sa isang episode ng “Tunay Na Buhay” nitong Martes.

“Nagba-bonding kami sa mga usong-uso dati na street party—'yung may mangunguna lang sa harap tapos susunod na lahat,” kuwento ni Aira tungkol sa love story nila ng mister na si Ronald Inovero.

Matagal na pagkakaibigan at ang hilig sa pagsayaw raw ang nagpatibay sa samahan at pagmamahalan nilang mag-asawa.

Ayon kay Aira, na isa ring aktres at  choreographer, “Respeto (ang aral ng aming tunay na buhay). At nagmamahalan kami kaya masaya kami at kuntento sa lahat ng mayroon kami ngayon.”

-- FRJ, GMA News