ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Luis Manzano, nag-post ng 'single' sa Twitter; Angel Locsin, tinawag na 'ex' si Luis sa IG account


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wala mang tuwirang pag-amin, tila lalong lumalakas ang hinala na hiwalay na ang magkasintahang Angel Locsin at Luis Manzano dahil sa kani-kanilang post sa social media. Kasabay nito, muling sumailalim sa operasyon ang aktres sa Singapore.

Sa Twitter account ni Luis, may asterisk na salitang "single" ang kaniyang inilagay. 

 


Samantala, may post naman si Angel sa kaniyang Intagram account ng larawan ni Luis na may caption na, "on the eve of my neck procedure, I saw my singing ex singing “love yourself” sa ig. Kung nagmahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls like this. #mabuhayangtangasappagibig."

Hindi na makita ang naturang post ni Angel, at may naghihinalang follower ng magandang aktres na baka na-hack ang kaniyang account.

 


Pero sa kaniyang IG account, may mga larawan si Angel habang nasa isang ospital tungkol umano sa kaniyang operasyon sa leeg.

Saad niya sa isang larawan, "pre-op pic...now in the recovery room..Thanks for the prayers."

 

pre-op pic?????? now in the recovery room.. Thanks for the prayers????

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

 

Sa isa pang larawan ng aktres,  inilahad niya sa caption na sasalang siya sa neck procedure, na ikalawang operasyon matapos ang una niyang operasyon sa "lumbar" area.

 

Pebrero noong 2014 nang ibalita na nagkabalikan sina Luis at Angel.

Nangyari ito matapos namang maghiwalay sina Luis at dati niyang nobya na si Jennylyn Mercado; at naghiwalay din sina Angel at dati nitong nobyo na si Phil Younghusband. -- FRJ, GMA News