Jackie Rice opens new 24-hour pares place in QC
Binuksan na ng Kapuso actress-comedienne na si Jackie Rice ang ikalawang branch ng kaniyang 24-hour eatery na "Pares De Manila."
Matapos magbukas ang naturang fast food restaurant sa Sampaloc, Manila, pinangunahan naman ni Jackie ang pagbubukas ng panibagong branch nito sa Scout Ybardolaza St. sa Quezon City nitong nakaraang linggo.
Kabilang sa mga inihahain sa “Pares de Manila” ang iba't ibang Pinoy food, tulad ng beef pares, tapsilog, tocilog, bangusilog, sizzling liempo, bulalo, beef mami, at marami pang iba.
Labis naman ang ipinakitang suporta ng mga kaibigan ng aktres mula sa loob at labas ng showbiz sa mga unang araw ng bagong branch ng kaniyang restaurant.
Ilan sa mga unang customer ng “Pares de Manila” sa Quezon City sina Rita Avila, Inna Asistio, “Bubble Gang” stars Diego Llorico at Moymoy Macasero, Jason Gainza, Betong Sumayao, at marami pang iba.
“Extra rice pa nga Miss Jackie Rice!!!” pabirong sabi ni Rita sa kaniyang Instagram post.
A photo posted by msritaavila (@msritaavila) on
A photo posted by Jackie Rice (@_jackierice) on
A photo posted by Jackie Rice (@_jackierice) on
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News