Filtered By: Showbiz
Showbiz

'AlDub You, MaAlden Kita,' wagi sa AlDub Songwriting contest


Ang awiting 'AlDub You, MaAlden Kita,' ang nagwagi sa kauna-unahang AlDub Songwriting contest ng Eat Bulaga nitong Sabado.

 

 

Inawit ng mga batikang singers na sina Kitchie Nadal, Luke Mejares, Gabbi Garcia, Frencheska Farr at Christian Bautista, ang apat na awiting finalists sa kompetisyon na may nakalaang P500,000.00 na premyo.

Si Kitchie Nadal ang umawit ng TA PA, na likha nina Maria Nuevo at Karlo Zabala.

 

 


Si Gabbi Garcia naman ang umait ng "Sana Naman," na likha ni Nicanor Gatchalian Jr.

 

 


Sina Frencheska Farr at Christian Bautista naman ang nagbigay-buhay sa "Tamang Panahon" na likha ni Anthony TJ Paeldon.

 

 

At si Luke Mejares ang umawit ng "Aldub You, MaAlden Kita," nina Ritchi Ramos and Richie Austria.

 

 

Mismong sina Alden Richards at Maine Mendoza ang nag-anunsiyo ng nanalong awitin para sa kanilang tambalang AlDub.

 
ALDUB YOU (MA-ALDEN KITA)

Title: ALDUB YOU (MA-ALDEN KITA)Composed by: Ritchi Ramos and Richi Austria Like niyo na kung gusto niyong manalo ang kantang ito sa AlDub Song Writing Contest!

Posted by Eat Bulaga on Saturday, February 13, 2016

 

-- FRJ, GMA News

Tags: eatbulaga
LOADING CONTENT