ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Gustong makatrabaho si Ryzza Mae

Dancing chubby kid na si Balang, Kapuso na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Certified Kapuso na ang internet sensation na si Balang, na kamakailan lang ay muling nag-guest sa sikat na "The Ellen DeGeneres Show" sa Amerika.

Nitong Lunes lang bumalik sa bansa ang dancing chubby kid na si Batang mula sa Hollywood para sa pangatlong guesting stint niya sa "Ellen" show.

Sa panayam ni Lhar Santiago, sinabi ni Balang na masaya siya dahil nakapunta na naman siya sa Amerika.

Ikinuwento rin ng bata ang ginawang pagkurot ni Ellen sa kaniyang pisngi dahil sa pagkatuwa sa kaniya.

Sinayaw ni Balang sa show ni Ellen ang "Sorry," ni Justin Bieber, at napansin ito ng sikat na singer kaya nag-tweet sa kanya.

"Thank you Justin Bieber, napasaya ko kayo at saka nag-tweet ka sa page ko. Thank you, I love you," saad ng bata.

Kapuso na rin si Balang matapos siyang pumirma sa GMA Artist Center. Kaya naman nasa ilalim na siya ng pamamahala ng Artist Management ng GMA Network.

Excited si Balang dahil sinabihan daw siya na sasayaw sa mga show ng GMA at maggi-guest sa sitcom na "Vampire Ang Daddy Ko."

Nais daw niyang maging artista at gusto niyang malinya sa comedy. At ang gusto umano niyang makatrabaho, "si Ryzza Mae (Dizon) po...cha-cha-rat, cha-cha-rat, cha-cha dabarkads." -- FRJ, GMA News

Tags: balang, ryzzamae