Maine Mendoza finally gets back Instagram account after second hacking
Matapos muling ma-hack ang Instagram account ng phenomenal Kalyeserye star na si Maine Mendoza noong nakaraang linggo, naibalik na sa “Eat Bulaga!” host ang nasabing social media account ngayong Lunes.
Sa isang tweet, nagpasalamat si Maine sa social media guru na si Carlo Ople na isa sa mga nanguna sa pagtulong sa dalaga kaugnay ng nasabing hacking incident.
Siniguro ni Carlo na “secured and restored” na ang account ni Maine, na mayroong higit sa dalawang milyong followers.
Naibalik na rin ang mga larawan sa Instagram account ng Kalyeserye sweetheart.
Finally. Account secured and restored. Advanced Happy Birthday @mainedcm ! #ALDUBBirthdayWeek
— Carlo Ople (@carloople) February 29, 2016
Thank you very much, sir Carlo!! ???? yaaaay https://t.co/eGcsbZMaWL
— Maine Mendoza (@mainedcm) February 29, 2016
Nauna nang na-hack ng grupong Anonymous Philippines ang Twitter at Instagram account ni Maine noong nakaraang taon. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News