Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Baste, Ryzza Mae, and other Dabarkads prep for EB Lenten specials


Nagsisimula nang maghanda ang “Eat Bulaga!” Dabarkads sa taunang dramatic Lenten special na ipinalalabas nila tuwing Mahal na Araw, o Holy Week.

Nitong mga nakaraang linggo, nagsimula nang mag-taping ang ilan sa mga host ng longest-running noontime show sa bansa, kabilang na sina Joey de Leon, Vic Sotto, Pauleen Luna, Pia Guanio, Ryan Agoncillo, Patricia Tumulak at Ruby Rodriguez.

 
 
 
 
 
 

 

Sumabak na rin sa drama ang kinagigiliwan ng lahat na si Bae-by Baste, kasama ang isa pang Kapuso child superstar at “Princess in the Palace” lead actress na si Ryzza Mae Dizon.

Kaiba sa hatid nilang saya, kilig, at papremyo araw-araw, hatid ng “Eat Bulaga!” tuwing Holy Week ang mga nakakaantig na kuwentong kapupulutan ng aral ng mga manonood.

Bukod sa mga Dabarkads, karaniwang tampok rin sa Lenten Special ng noontime show bilang special guests ang iba pang Kapuso artists.

Mapapanood na ang Lenten Special ng “Eat Bulaga!” sa Holy Week ngayong buwan. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News