ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ken Chan shares thoughts about Destiny Rose ending  


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
Naging madamdamin ang post ng Kapuso actor at “Destiny Rose” star na si Ken Chan ngayong Miyerkules kasabay ng huling taping day ng pinagbibidahan niyang GMA Afternoon Prime series.
 
Mula noong Setyembre, binigyang-buhay ni Ken ang karakter ni Destiny Rose, isang transgender woman.
 
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Kapuso actor ang huling pahina ng kaniyang script kung saan nasusulat ang katagang “Wakas.”
 
Ayon kay Ken, “Kanina sa pagmulat ng aking mga mata ako'y napangiti pero nalungkot din naman kagad.Sabi ko sa sarili ko 'Ito na pala ang aming huling taping.' Kinuha ko ang aking script at paglipat ko sa huling pahina, bumungad sakin kagad ang salitang 'WAKAS.' Ang hirap isabuhay ng eksenang ito. Parang ayoko pang gawin pero kailangan na.”
 
“Alam kong darating ang oras na tutuldukan na ang aming istorya pero dito ko napagtanto na ang bawat katupusan ay siya namang umpisa ng isang magandang kwento. Oo, ito na ang aming huling taping pero hindi pa ito ang araw na magwawakas ang makulay na buhay ni #DestinyRose. Samahan niyo po kami hanggang sa pagtiklop ng aking talaarawan (diary),” dagdag pa niya.
 
 
Sa mga hiwalay na post, makikita namang nananatiling masaya ang cast ng “Destiny Rose” sa kabila ng nalalapit ng pagtatapos na kanilang programa.
 
Kasama ni Ken na bumibida rito sina Fabio Ide, Katrina Halili, Sheena Halili, Jackie Lou Blanco, Manilyn Reynes, at marami pang iba.
 
 

F A M I L Y ?? #LastTaping #DestinyRose #DRLitosThreat

A photo posted by Ken Chan (@akosikenchan) on