ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maria Ozawa admits she slept with Cesar Montano


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inamin ng dating Japanese adult video star na si Maria Ozawa na nagsiping umano sila ng Pinoy actor na si Cesar Montano na nakatambal niya sa pelikulang "Nilalang" noong nakaraang taon.

 

(Scene from the movie 'Nilalang' )


Ginawa ni Maria ang pag-amin sa panayam ni Mo Twister sa podcast na "Good Times With Mo."

Atubili mang sagutin ang mga tanong ni Mo, sinabi ni Maria na isang beses lang nangyari ang pagtatalik nila ni Cesar at mabilis lang umano.

Nangyari raw ito bago nila gawin ang pelikula at halos kadarating lang niya sa bansa.

Inilarawan niya ang nangyari sa kanila ng aktor na "saying hello sex" lang.

Si Cesar ang pumalit kay Robin Padilla sa pelikulang "Nilalang," na kasama sa mga ipinalabas sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Muntik nang hindi matuloy ang paggawa ng pelikula nang umatras si Robin sa nang mabuntis at kinalaunan ay nakunan ang misis niyang si Mariel Rodriguez. -- FRJ, GMA News