ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pagmamahal, pagpapatawad, aral na nais iwan ng 'Buena Familia'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Aminado ang mga cast at crew ng afternoon prime series na "Buena Familia" na mami-miss nila ang isa't isa dahil isang pamilya na ang kanilang naging turingan.

Asahan daw na isang madramang pagtatapos sa huling episode ng programa ngayong Biyernes ng gabi.

Hindi maikakailang tumatak ang mga matinding eksena sa Buena Familia. Kabilang na rito ang pagmamalupit ng karakter ni Sheryl Cruz, sa ginagampanang role naman ni Angelu de Leon.

Hindi rin mawawala ang kilig sa tambalan nina Julie Anne San Jose at Jake Vargas, at sa love triangle ng mga character nina Martin del Rosario, Kylie Padilla at Eat Bulaga bae na si Kenneth Medrano.

Ayon kay Martin, maraming dapat abangan sa huling yugto ng serye at may mga magsasakripisyo at buhay na mawawala.

Pero ang pinakamahalagang aral na nais iwan ng soap sa mga manonood ay pagmamahalan sa pamilya at pagrespeto sa mga magulang. -- FRJ, GMA News