Marian Rivera celebrates National Women's Month
Muling ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kaniyang labis na kaligayahan bilang isang ina ngayong ipinagdiriwang sa bansa ang National Women's Month.
Sa isang Instagram post, nagpahayag ang Kapuso actress at “Sunday Pinasaya” star ng kaniyang suporta sa lahat ng mga babae.
Aniya, “It's women's month and what makes it more special for me is the feeling of completeness now that I am a mother to Maria Letizia. Being a mother is really the greatest joy and privilege. Nang dahil sa pagiging ina, mas marami pa akong natutunan sa pagiging babae.”
“Kaya sa lahat ng mga daughters, sisters, nieces, girlfriends, girl friends, aunts, sisters-in-law, mothers-in-law, grandmothers, wives and mothers, Happy Women's Month sa atin,” dagdag apa niya.
Inudyok rin ni Marian ang lahat na pahalagahan ang mga babae at kilalanin ang kanilang kontribusyon sa lipunan.
Payo pa niya sa mga tulad niyang babae, mahalin ang sarili at ipagbunyi ang kasarian.
Pagtatapos ng aktres, “Kilalanin at pahalagahan natin ang importansya at kontribusyon ng isang babae sa tahanan at lipunan. #YanSaysYay #LikeYourself”
A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on
Bukod sa “Sunday Pinasaya,” nakatakda ring bumida si Marian sa inaabangang remake ng Kapuso fantasy series na “Encantadia.”
Naghahanda na rin ang Kapuso Primetime Queen para sa kaniyang talk show na mapapanood ngayong taon. —ALG, GMA News