Alden reveals renting private plane to surprise Maine in Boracay
Inamin ng Pambansang Bae at "Eat Bulaga!" host na si Alden Richards na umarkila pa siya ng isang private plane upang masorpresa ang kaniyang ka-loveteam at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza nitong Linggo sa Boracay.
Nagkaroon ng post-birthday celebration si Maine sa Boracay matapos ang nakakakilig niyang pagdiriwang sa "Eat Bulaga!" noong Sabado, kung saan nasaksihan ang first kiss nila ni Alden sa telebisyon.
Iniwasan raw ni Alden na kumuha ng regular flight upang masorpresa talaga ang dalaga, kuwento niya nitong Lunes sa Kalyeserye.
Napaaga man ang pag-uwi ng binata sa Maynila, hindi naman maikakailang nag-enjoy talaga ang dalawa sa kanilang weekend beach getaway.
Sa katunayan, bukod nga sa pagsasaya ay nagkaroon pa silang dalawa ng pagkakataong makapag-usap ng masinsinan tungkol sa kanilang hinaharap.
Kabilang sa mga activities na magkasamang ginawa ng AlDub ang pagsakay sa speedboat, snorkeling, parasailing, at jet skiing.
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News