Filtered By: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS

Dennis and Heart are 'naughty and sexy' in new primetime series


Magtatambal sina Heart Evangelista at Dennis Trillo sa pinakabagong programang mapapanood sa GMA Primetime series, ang “Juan Happy Love Story.”

Kasama ng tambalang DenHeart sa sexy, naughty, romantic comedy series na ito sina Gloria Romero, Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Dominic Roco, Leeian Bautista, Erika Padilla, Kim Domingo, at marami pang iba.

Masaya ang dalawa na muli silang magkakasama matapos ang pagtatambal nila sa Kapuso telefantasyang “Dwarfina” noong 2011.

“Never pa akong nakakagawa ng ganito. Iba talaga siya. This role is challenging, so thank you to GMA for always giving us a good challenge sa mga roles,” ayon sa Kapuso actress.

Sabi naman ni Dennis, “Refreshing makagawa ng ganitong project, kaya salamat sa GMA dahil nabibigyan niya kami ng proyekto na hindi pa namin nagagawa before.”

Mapapanood na ang ”Juan Happy Love Story” simula ngayong April 4 sa GMA Telebabad.

 

 
 
 
 
 
 

 

-- FRJ, GMA News