ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hollywood actor Owen Wilson, nasa Pilipinas para bumisita


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasa Pilipinas ngayon ang Hollywood actor na si Owen Wilson, na kasama sa sequel na pelikulang  "Zoolander 2," na pinagbibidahan ni Ben Stiller.

Dakong 4:00 p.m. nitong Biyernes nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Friday ang sinakyang eroplano ni Owen.

Magiliw namang ngumingiti si Owen sa mga taong bumabati sa kaniya.

Sinabi ng aktor na bumibisita lang siya pero hindi pa malinaw kung saan ang destinasyon niya sa Pilipinas.

Bukod sa "Zoolander", ilan pa sa mga sikat na pelikulang ginawa ni Owen ang "Internship,"  "Wedding Crashers,"  Night At The Museum, at "Shanghai Knights" kung saan katambal niya si Jackie Chan.

Ang ilang netizen, ikinatuwa ang balita at excited na makita ang aktor.

 

 


 

 


 




 


 

 


 

-- FRJ, GMA News

 

Tags: owenwilson