ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

SPOTTED: Jeyrick Sigmaton, nag-ensayo para sa 'Sunday PinaSaya'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naispatan ang Igorot bae na si Jeyrick Sigmaton o mas kilala bilang "Carrot Man" na nag-eensayo para sa kanyang guesting sa "Sunday PinaSaya" na mapapanood bukas (Linggo).

Production number ni Jeyrick ay para sa live telefantasya na "Madrama-rama: Presents Adarna," kasama ang "Destiny Rose" lead star na si Ken Chan.

Nitong Sabado, nakita rin ang ginawang make-over kay Jeyrick bilang paghahanda sa kaniyang guesting sa nabanggit na programa.

 

 

Nauna nang nakitang kumanta at naging guest host sa Wowowin ni Willie Revillame si Jeyrick noong nakaraang linggo.

WATCH: Jeyrick 'Carrot Man' Sigmaton sings in Wowowin appearance

Samantala, hindi lang ang dance floor ang pasasabugin nina Kapuso dance royalties Mark Herras, Rochelle Pangilinan, Winwyn Marquez, Julian Trono at Andrea Torres kundi pati ang Sunday noontime ninyo.

Bibida rin ang cast ng pinakabagong GMA Afternoon Prime soap na The Millionaire’s Wife katulad nina Mike Tan, Ina Raymundo, Sid Lucero, Joanna Marie Tan at Rich Asuncion sa Kantaririt.

READ: Mike Tan, competitive daw?

Kukumpletuhin ng Team Kramer ang inyong family day dahil magiging guro nina Chuchay at Boobsie si Doug Kramer habang magiging kaklase nila ang panganay niya na si Kendra sa Adventures of Boobsie and Chuchay.

At siyempre, pasasarapin ni Pambansang Bae Alden Richards ang inyong pananghalian sa Chef Boy Next Door.-- Bea Rodriguez, GMANetwork.com/FRJ, GMA News