Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Pekto and Gladys, kauna-unahang tag team battle champ sa Lip Sync Batlle PHL


Ang tambalan nina Pekto at Gladys Guevarra ang itinanghal na kauna-unahang tag team battle champion sa Lip Sync Battle Philippines matapos nilang pataubin ang tambalan nina Betong Sumaya at  John Feir nitong Sabado ng gabi.

Sa unang round, pinagsaluhan nina Betong at John ang awitin ni Beyoncé na "Love On Top."

Samantala, ang rap song na "Ako'y Isang Sirena" ni Gloc-9 ang ipinanlaban nina Pekto at Gladys.

Sa pinatinding second round, hindi nagpatalo sina Betong and John sa pag-awit ng ‘Barbie Girl’ ng Aqua.

Ibinuhos naman nina Gladys at Pekto ang lahat sa kanilang rock performance sa pag-lip sync sa awiting ‘Proud Mary’ nina Tina Turner at Beyoncé.


At matapos ang labanan, ibinigay ng mga host na sina Michael V at Iya Villania kina Pekto at Gladys ang pagkilala bilang kauna-unahang tag team battle champion sa Lip Sync Battle Philippines.

 

 

Congratulations Pekto and Gladys Guevarra - ang kauna-unahang tag team battle champion on #LipSyncBattlePh! ????

Posted by Lip Sync Battle Philippines on Saturday, March 12, 2016

 


--FRJ, GMA News