Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Velasquez, inamin na nawalan sila ni Ogie Alcasid ng anak


Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," inamin ng Asia's Songbird na nawalan sila ng anak ni Ogie Alcasid bago dumating sa buhay nila si Baby Nate.

Kuwento ni Regine kay Igan Arnold, nabuntis siya bago pa man sila maikasal ni Ogie at nakunan siya.

Dahil sa nangyari, inamin ng mang-aawit na nagkaroon siya ng tampo sa Diyos at dumanas ng depresiyon.

Pero ang pangyayaring iyon din daw ang naging dahilan upang maging Born Again Christian siya.

"During nung time na 'yon, galit na galit ako kay God kasi nga I lost the baby. Kaunti-kaunti pumupunta na ako sa Victory (Christian Fellowship church). My husband didn't want to force me so slowly, nag-build ulit 'yung relationship ko with Christ," pahayag ni Regine.

Mapapanood ang buong panayam ni Igan Arnold kay Regine sa Miyerkules, March 16. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT