Aubrey Miles shares how she lost her pregnancy weight
Marami ang humahanga sa magandang pangangatawan ng 36-anyos na si Aubrey Miles na mayroon nang dalawa anak. Pero bago nito, ibinahagi ng aktres na minsan ding lumobo ang kaniyang katawan nang magdalang-tao sa una niyang anak.
Sa kaniyang Instagram at blog post, ibinahagi ni Audrey ang kaniyang pinagdaanan nang unang mabuntis sa edad na 19.
"I was 19 when i got pregnant, gave birth at 20years old. My regular weight was 120lbs, 5'6 in height. During my pregnancy i was eating whatever i want, exercise for a bit then back to eating junk. Oh well i ended up weighing 182lbs," saad ng aktres na may timbang lang ngayon na 113 lbs.
Ipinakita rin ng aktres ang kaniyang larawan nang buntis siya ng anim na buwan kaya mas malaki raw ang kaniyang katawan nang manganak na.
Sa naturang post ay nilinaw din ng aktres na hindi "genes" sa pamilya ang dahilan kung bakit natanggal niya ang katabaan ng katawan matapos manganak.
Kuwento ni Audrey, matapos niyang magpahinga ng tatlong buwan matapos manganak, bumalik siya sa gym at dinisiplina ang sarili sa pagkain.
"My mother and father side are all average body. Definitely not skinny hehe sorry mom. Gosh, i thought il be forever skinny until i met pregnancy haha. I think where i am and how i look now, It's all because of my hardwork," saad ng aktres at hinikayat ang kaniyang followers na bisitahin ang kaniyang fitness blog para sa iba pang detalye sa pagbabawas ng timbang.
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News