Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: 'Eat Bulaga!' releases trailers of Lenten Special episodes


Ipinasilip ng “Eat Bulaga!” ang mga aabangang programa ng mga manonood sa susunod na linggo para sa kanilang taunang Lenten Special.

Limang kuwento ang inihanda ng longest-running noontime show para sa mga Dabarkads ngayong Holy Week.

Bibigyang-buhay nina Joey de Leon, Pia Guanio, Ryan Agoncillo, Jimmy Santos, at Anjo Yllana ang kuwentong “Dalangin ng Ama” sa Holy Monday. Susundan ito ng “Kaputol ng Buhay” na pagbibidahan naman nina Lola Nidora, Tidora, Tinidora, at Divina.

 

 

Sa Holy Tuesday mapapanood sa “Walang Kapalit” sina Allan K., Ruby Rodriguez, Patricia Tumulak, at Kenneth Medrano, at ang “Panata” na kabibilangan naman nina Vic Sotto, Pauleen Luna, Baste, Ryzza Mae Dizon, Danica Sotto, at Oyo Boy Sotto.

 

 

Bibida naman sa Holy Wednesday sina Jose Manalo, Wally Bayola, Ciara Sotto, Alden Richards, Maine Mendoza, at Jake Ejercito para sa “God Gave Me You.”

 

 

Mapapanood ang Eat Bulaga Lenten Special simula March 21 hanggang March 23. -- FRJ, GMA News

Tags: eatbulaga