Lovi Poe thanks Sunshine Dizon and Yasmien Kurdi for being her acting mentors
Binalikan ng Kapuso actress na si Lovi Poe ang kaniyang pagsisimula sa showbiz ilang taon na ang nakalilipas para sa isang online magazine feature.
Ayon kay Lovi, malaki ang pasasalamat niya sa mga kapwa-aktres na sina Sunshine Dizon at Yasmien Kurdi, na nakasama niya sa 2006 Kapuso drama series na "Bakekang," na base sa komis sa panulat ni Carlo J. Caparas.
Aniya sa isang Instagram post noong nakaraang linggo, "I remember getting a lot of flack when I started. I was part of the successful show Bakekang starring next to Ate @shinedizontan and @yasmien_kurdi who were already made and have always been amazing actresses. I was the girl who couldn't act."
"I'll forever be grateful to them for helping me, and to ate Shine for coaching me and staying up during taping just to guide and teach me," dagdag pa niya.
Payo ni Lovi sa mga nangangarap maging magaling na artista, "I also believe that the work itself is the best workshop."
A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) on
Matapos ang kaniyang pagbida sa "Bakekang," naging sunod-sunod na ang TV projects ni Lovi sa Kapuso Network.
Kabilang na rito ang "LaLola" noong 2008, "Captain Barbell" noong 2011, "Ang Dalawang Mrs. Real" noong 2014, at "Beautiful Strangers" noong 2015.
Nanalo rin si Lovi bilang Best New Female Personality sa 2007 PMPC Awards for Television para sa kaniyang pagganap sa "Bakekang," at Best New Movie Actress of the Year sa 2008 PMPC Awards for Movies para sa kaniyang pagganap sa "Shake, Rattle, and Roll 9." — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News