Sheena Halili to launch swimwear line soon!
Bukod sa pagiging isang magaling na artista, kilala rin ang Kapuso actress at "Poor Señorita" star na si Sheena Halili bilang isang traveler, at sa loob nga ng tatlong buwan ngayong 2016 ay nakarating na siya sa apat probinsiya sa Pilipinas.
Dahil isa sa mga paboritong activities ni Sheena ang swimming, balak ngayon ng aktres na magsimula ng kaniyang sariling swimwear line.
Maikli man ang naging pahayag ng aktres sa isang Instagram post, marami na ang nasasabik sa official launch ng pinakabagong business venture ng Kapuso actress.
Kasalukuyang nasa Baler, Aurora si Sheena nitong nakaraang linggo, kung saan niya ipinasilip ang isang disenyo mula sa kaniyang swimwear line.
Nitong nakaraang taon, inilunsad ng Kapuso actress na si Sam Pinto ang kaniyang swimwear line, na tinawag niyang Sirena Swimwear. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News