Gladys Guevarra gushes about meeting Maine Mendoza: 'Hindi ka sino-showbiz. May sincerity'
Aminado ang batikang host-comedienne na si Gladys Guevarra na isa siyang masugid na tagahanga ng phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza, kaya naman ganoon na lamang ang tuwa niya nang makaharap at makausap ang Dubsmash Queen nitong nakaraang linggo.
Kuwento ni Gladys, ngayon lamang sila nagkaroon ng pagkakataong magkakilala kahit na minsan na silang nagkita sa “Sunday Pinasaya” noon.
“Para akong fan na sabik siya makita... Masaya ako lalo because I got the chance na makaharap siya, makausap, maka-beso, makayakap, at makakulitan. Sabi nga ni @jakodeleon, 'The Girl Who Spoke to the Nation without Saying a Word,'” ani Gladys.
A photo posted by Global MAIDEN (@globalmaiden) on
Sa isa pang pahayag, sinabi ni Gladys na compatible raw sina Maine at Alden dahil sa kanilang pagiging totoo at sweet sa sinumang makakasalamuha nila.
Ayon sa komedyante, “She's the sweetest. Kaya compatible sila ni Alden, Kasi imagine mo 'yung pagiging busy at kasikatan nila, pero kapag kausap ka nila, alam mong hindi ka sino-showbiz. May sincerity.
“Personal ang pakiramdam ng pakikipag-usap at pagtawag ng 'Ate.' I really don't know. I just love Alden and Maine,” dagdag pa niya.
Muling magkakasama sa “Sunday Pinasaya” sina Gladys at Maine ngayong Linggo kasabay ng guesting ng Kalyeserye sweetheart sa nasabing weekly comedy variety show, kung saan bumibida rin si Alden kasama sina Marian Rivera, AiAi Delas Alas, Jerald Napoles, at marami pang iba.
A photo posted by Global MAIDEN (@globalmaiden) on
— APG, GMA News