ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards to open cafe-restaurant in Tagaytay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasasabik na ang Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” host na si Alden Richards sa pagbubukas ng kaniyang pinakabagong negosyo sa Tagaytay—ang Concha's Garden Cafe.

Sa isang Facebook post, inanyayahan ng Kapuso heartthrob ang lahat sa pagbubukas ng nasabing restaurant sa Cliffhouse Tagaytay ngayong Abril.

 

 

Coming soon at Cliff House Tagaytay. ????

Posted by Alden Richards on Friday, April 1, 2016

 

Ayon naman sa post ng Concha's Garden Cafe na pag-aari ng aktor, 28 araw na lamang ang hihintayin at magbubukas na ang kanilang ikalawang branch.

 

 

Someone's excited to open his own business. #28daystogo

Posted by Concha's Garden Café on Friday, April 1, 2016

 

Bukod sa pagnenegosyo, abala rin si Alden sa iba't ibang programang kaniyang pinagbibidahan, kabilang na ang noontime show na “Eat Bulaga!” at ang weekly comedy variety show na “Sunday Pinasaya.”

Pinaghahandaan rin ng binata ang sorpresa nila ng katambal at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza para sa kanilang mga tagahanga ngayong darating na Hulyo, kasabay ng first anniversary ng kanilang phenomenal loveteam. — APG, GMA News