Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sanya Lopez, 'di inasahang mapipili siyang gumanap na Danaya sa 'Encantadia'



"Ang daming artista [na nag-audition]. Na-intimidate ako na parang hindi na ako umasa kasi ang daming magaganda," 'yan ang bungad ni Kapuso actress Sanya Lopez nang tanungin siya ng kanyang nararamdaman sa pagkapili sa kanya bilang Danaya sa inaabangang Encantadia requel.

READ: Original 'Encantadia' Sang'gres Sunshine Dizon and Diana Zubiri congratulate Glaiza de Castro and Sanya Lopez

Exclusive na ikinuwento ng former The Half Sisters star ang detalye ng kanyang audition para sa role. Ayon sa kanya, dumaan daw siya sa butas ng karayom para masungkit ito.

"Tinawagan kasi ako na mag-audition. Excited ako kasi may mga nagsasabi na bagay ako roon. I did my best and 'yon, tinawagan ulit ako at binigyan nila ako ng chance ulit na ipakita ko 'yung skills ko. Noong umpisa, ang ginanapan ko is Lira. Then after noon, pinag-Alena ako. Then noong last, pinag-Danaya na 'ko," bahagi niya.

Kahit nagkatrabaho na sa The Half Sisters, inamin ni Sanya na kinabahan pa rin siya kay Direk Mark Reyes na siyang nag-screen sa kanyang audition. Aniya, "Noong tinawagan nga ako nung second time, sabi ko, 'o sige kaya na natin 'yan, nakapasok na ko sa first round eh, second round na 'to, kaya ko 'yan.' Four times ako na-call back."

LOOK: Meet Encantadia's new Sang'gre Pirena: Glaiza De Castro 

Hinding-hindi raw malilimutan ni Sanya ang araw na ibalita sa kanya na siya nga ang nakasungkit sa role ni Danaya. Sobrang excited ako na happy na natatakot. Unexpected talaga," saad niya.

"I'll do my best at gagawin ko po kung ano 'yung kinakailangan," pagtatapos ni Sanya.  -- AL KENDRICK NOGUERA, GMANetwork.com