LOOK: Rita Avila, nakatanggap muli ng pasasalamat mula kay Pope Francis
Muling nakatanggap ng pasasalamat mula kay Pope Francis ang aktres at manunulat na si Rita Avila sa pamamagitan ng isang sulat mula sa Vatican.
Ang mensahe ng Santo Papa na ipinaabot kay Rita ay para sa ipinadalang niyang kopya ng bagong libro na may pamagat na "Ang Hindi Nakikitang Pakpak 2."
Kaugnay nito, nagpaabot din ng pagbati kay Rita ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
A photo posted by msritaavila (@msritaavila) on
Disyembre 2014 nang unang makatanggap ng liham ng pasasalamat si Rita mula kay Pope Francis.
READ: Rita Avila, receives a ‘thank you’ letter from Pope Francis
Ikinasal si Rita sa TV director na si FM Reyes at nagkaroon sila ng isang anak na pinangalanan nilang Elia Jesu na isinilang noong Nobyembre 2006. Gayunman, ilang linggo lang ay binawian ng buhay ang bata dahil sa komplikasyon sa puso.
Kasunod nito ay nagsulat na si Rita ng mga libro na magbibigay ng inspirasyon tulad ng 8 Paraan ng Pakikidalamhati, Si Erik Tutpik at Ana Taba at iba pa. -- FRJ, GMA news