ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Wowowin,' magkakaroon ng bagong tahanan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magkakaroon ng bagong tahanan ngayong Abril ang paboritong game show ng bayan na Wowowin ni Kuya Willie Revillame.

Sa isang Facebook post, ipinakita ang bagong studio ng Wowowin sa mismong gusali ng GMA Network center sa Timog corner Edsa sa Quezon City.

“Mukhang handang handa na ang buong pwersa ng Wowowin sa paglipat sa kanilang bagong tahanan sa loob mismo ng GMA Stuido,” ayon sa FB post.

“Wowowin sa GMA Network Center EDSA corner Timog Avenue, Diliman Quezon City… ngayong Abril na! Kitakits mga Kapuso,” saad pa sa anunsiyo.

 

Well hello to our new home...Hello GMA Studio! <3 We're here!Bilis =) Thank you Wowowin team! Love you guys <3

Posted by Adrian Gret on Tuesday, April 5, 2016

 

Muna nang magbalik sa GMA si Kuya Wil para sa Wowowin noong nakaraang taon, ginaganap ang programa sa grand studio nito sa Kalayaan Avenue sa Diliman Quezon City.

 

 

Rehearsal #Wowowin #WillieRevillame #GMA #Kapuso #WowowinStudio (ctto)

A photo posted by WBR (@wbrnetizens) on

 

Hiling naman ni Kuya Wil, samahan pa rin siya ng kaniyang mga bisita sa bagong tahanan ng Wowowin sa GMA Network building. -

Napapanood ang Wowowin, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-24 Oras. -- FRJ, GMA News

Tags: wowowin