ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Willie Revillame, hands-on sa pag-aayos ng bagong studio ng Wowowin


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Malapit na ang paglipat ng "Wowowin" sa bago nitong studio sa loob mismo ng bakuran ng GMA Network sa Quezon City. Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Bentong sa pagtanggap muli sa kaniya ni Willie Revillame.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing nag-run through o nagsanay na ng production number ang staff ng Wowowin sa bago nitong studio sa GMA Network center.

Ipinasilip din ni Kuya Wil ang construction sa set ng Wowowin set na kanya mismong sinupervise.

Dumalaw din habang ginagawa ang set si GMA Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong para sa napipintong pagsisimula ng taping ng paboritong game show ng bayan sa GMA studio.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Bentong na hindi siya kinalimutan at tinanggap muli siya ni Kuya Wil na maging sidekick sa "Wowowin."

Noong Lunes, marami ang naantig nang ianunsyo na ni Kuya Wil ang pagbabalik-telebisyon ni Bentong bilang isang Kapuso.

Ayon sa komendyanteng host, tatlong buwan siyang walang trabaho kaya naging mahirap para sa kaniya ang pagpapaaral sa mga anak.

Dagdag pa rito ang kaniyang karamdamang diabetes.

Hirap man sa buhay, nananatiling masayahin si Bentong na kanya raw idadagdag sa masayang programang Wowowin na napapanood araw-araw bago mag-24 Oras. -- FRJ, GMA News

Tags: wowowin