ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Actor Julio Diaz rushed to hospital; needs help for immediate surgery


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isinugod sa ospital nitong Sabado ang batikang aktor na si Julio Diaz. Ayon sa kaniyang mga kaanak, kailangan itong maoperahan kaagad para hindi lumubha ang kaniyang kalagayan.

Sa isang post ni Ana Marie Datuin, kapatid ni Julio, o Marnie Regaliza sa tunay na buhay, nawalan ng malay ang aktor matapos makaranas ng matinding pananakit ng ulo.

"A CAT Scan showed the swelling of a vein that needs surgery within the next 24-48 hours.  If the surgery is not performed, an aneurism is imminent which may lead to fatal damages," ayon kay Ana Marie.

 

 

Simpleng namumuhay ngayon ang aktor sa Bulacan kasama ang kapatid ang isang kapatid.

Kabilang sa mga pelikulang nagawa ni Julio ang "The Flor Contemplacion Story" kasama si Nora Aunor, at ang mga historical film na "Bayani" at "Sakay."

Noong 2013, naaksidente si Julio at nabalian ng buto. Sa tulong ng mga tao at kasama sa industriya, naoperahan siya at gumaling na ipinagpasalamat din ng kaniyang pamilya.

Muling humingi ng tulong si Ana Marie sa panibagong pagsubok na pinagdadaanan ng kaniyang kapatid.

"Julio has a very small window of opportunity to get the surgery done to save his life.  This surgery however needs a huge amount of money that Julio does not have right now.  This is the reason why, I am stepping in on his behalf appealing to anyone who is being led by the Lord to give any amount they can to raise the money needed to get the surgery performed within the next few hours," ani Ana Marie. -- Aya Tantiangco/FRJ, GMA News

 

Tags: juliodiaz