ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Buhay ni Kim sa 'Tunay Na Buhay'

Sexy comedy skit ni Kim Domingo sa Bubble Gang, patok sa Youtube


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patok ngayon sa internet ang nakakaaliw na sexy comedy skit video ni Kim Domingo na ipinalabas kamakailan sa Bubble Gang.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing nag-viral ang comedy skit video ng Bubble Gang na kinatampukan ni Kim na patungkol sa "pambabastos."

Umabot na sa mahigit isang milyon ang views ang naturang video kung saan gumanap siya bilang isang sekretarya na tila nababastos ng mga lalaking ka-opisina niya.

Para kay Kim, bagama't comedy ang presentasyon nila sa Bubble Gang para maaliw ang mga manonood, maliwanaw naman daw ang mensahe nilang ipaabot sa mga makakakita nito na hindi dapat ang gawin ang mambastos.

"Hindi tamang act yung ganoon, respeto pa rin sa girls," saad ni Kim.

Samantala, bukod sa Bubble Gang, mapapanood na rin si Kim sa Kapuso primetime series na "Juan Happy Love Story," at makakasama niya sina Dennis Trillo at Heart Evangelista.

Mapapanood din ang tunay na buhay ni Kim sa programang Tunay Na Buhay sa Miyerkules.

 

 

Dati nang nabanggit ni Kim na hindi niya nakilala ang kaniyang ama at nahinto sa pag-aaral siya sa kolehiyo dahil sa kakapusan sa pera. -- FRJ, GMA News

Tags: kimdomingo