ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH: Tom Rodriguez covers 'A Whole New World' with Denise Laurel
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Habang naghihintay ng kanilang pagsalang sa harap ng camera para sa pagbibidahang pelikula, naisipan ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez at ng aktres na si Denise Laurel na awitin ang sikat na Disney song na “A Whole New World.”
Bukod sa pagsikat sa pelikulang “Alladin,” naging malapit rin sa puso ng mga Pinoy ang awitin dahil isa sa mga kumanta nito ang award-winning Filipina stage performer na si Lea Salonga.
Umani na ng higit sa 3,000 reactions at 2,000 shares sa Facebook ang video nina Tom at Denise mula nang mai-post ito nitong Martes.
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: tomrodriguez, deniselaurel
More Videos
Most Popular