ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Louise Delos Reyes, mas matatag na raw sa mga batikos


Dahil sa mga pinagdaanan sa buhay, mas matatag na raw ngayon at matured na ang Kapuso star na si Louise Delos Reyes.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing tila naalis na kay Louise ang pagiging nene kung pagmamasdan ang mga larawan na ipinost niya sa Instagram kaugnay ng ginawa niyang bakasyon na mag-isa sa Amerika.

Wala na siyang chaperone sa mga lakad at siya na rin ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.

"I'm turning 24 this year, so parang through experiences, through people around me, marami akong natututunan," anang aktres.

Hindi na rin daw niya iniiyakan ang bawat batikos na ibinabato sa kanya at natuto na siyang lumaban kahit sa social media bashers .

"I know for a fact na artista, alam mo 'yon, kasama sa trabaho namin 'yon (mga puna) pero yung pagiging Caviteña ko, hindi pwede eh," patungkol niya sa pagsagot sa ilang mga maling komento tungkol sa kaniya.

Ngayon, nagsimula na siyang mag-taping para sa bagong soap na "Magkaibang Mundo," kung saan katambal niya ang Kapuso hearthrob na si Juancho Trivino.

Ayon kay Louise, na-in love daw agad siya sa kanyang sa karakter sa serye bilang si Princess a.k.a. Pepay, na malapit daw sa tunay niyang pagkatao.

"Sobrang perfect nung family niya, yung daddy niya, they own a shoe company. Tapos sobrang mapagmahal ang magulang niya sa kanya. Until one day, 'yon na nga, may nangyaring tragic sa buhay niya at nagbago lahat," kuwento ni Louise. -- FRJ, GMA News