ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong Dantes, may mensahe kay Ruru Madrid na bagong Ybarro sa Encantadia 2016


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kasabay ng paghahanda, nagpapasalamat si Dingdong Dantes na nakasama siyang muli at ang kaniyang misis na si Marian Rivera sa pagbabalik ng "Encantadia."

Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas, sinabing hindi maitago ni Dingdong ang tuwa nang ikuwento nito ang pagkakasama niya sa cast ng bagong "Encantadia."

Markado ang role ni Dingdong na gaganap bilang si Haring Raquim, ang ama ng tatlong Sang-gre.

Saad ng aktor, importante ang karakter ni Raquim sa istorya ng "Encantadia", na ginampanan noon ni Richard Gomez.

Ipinakita pa niya ang inisyal na proseso sa paggawa ng kanyang costume.

Sa dating Encantadia, gumanap si Dingdong bilang si Ybarro, na gagampanan na ngayon ni Ruru Madrid.

"Natuwa ako nung malaman ko na siya ang gaganap," ani Dingdong. "Maghanda ka nang matulog sa gubat, mahihirapan ka talaga. Pero sobrang sulit naman talaga dahil napakaganda ng role na napunta."

Pahabol pa ng aktor kay Ruru, "Proud na proud ako sa'yo"

Isa pa raw bonus para kay Dingdong ang makapareha niya ang asawang si Marian Rivera na gaganap bilang si Y'nang Reyna sa "Encantadia."

Ito ang kanilang unang team-up matapos ikasal at isilang ang kanilang panganay na anak na si Zia.

"Kaya nagpapasalamat kami na isinama kami dito sa 'Encantadia' dahil we know how important this is to the network, to the viewers and sa amin, lalo na sa mga gumanap dati," paliwanag niya.

 

 
 
 
 
 
 

 

-- FRJ, GMA News