'EB' Dabarkads, bumilib sa anak ng 'Sugod-Bahay' winner na pinaarte on the spot
Nakasali sa "live" workshop nina Alden Richards at Maine Mendoza ang batang anak na babae ng "Sugod-Bahay" winner sa Eat Bulaga nitong Sabado. Sa eksena, humingi ng pera ang bata sa kanilang ninong Alden pero gipit daw ito dahil kabuwanan ng asawang si Maine.
Unang nakaeksena ng bata ang galit na si Jose Manalo dahil sa paghingi niya ng pera.
Halos maiyak na agad ang bata habang pinapagalitan ang bata at saka niya ipinasa sa ninang niyang si Maine.
Pero galit din si ninang at sinabihan ang bata na humingi na lang sa kaniyang ninong na si Alden na nasa studio.
House Attack Highlights Part 2 ????????????
— ALDUB ?wi?ness™ ??? (@AldubWitness) April 23, 2016
"Ang Ninang"@mainedcm @aldenrichards02 #ALDUBLiveWorkshop pic.twitter.com/ZiqjhnbQ5I
Malumanay namang nagpaliwanag si Alden sa inaanak na gipit siya at wala ring pera dahil kabuwanan na raw ni Maine.
House Attack Highlights Part 3 ????????????
— ALDUB ?wi?ness™ ??? (@AldubWitness) April 23, 2016
"Ang ASAWA ni Ninang"@mainedcm @aldenrichards02 #ALDUBLiveWorkshop pic.twitter.com/U39g0v9aPY
Humanga sa bata ang mga dabarkads, maging sina Bossing Vic Sotto at Allan K, sa ipinakitang talento sa pag-arte ng bata.
Pagkatapos ng aktingan, may ibinigay na regalo si Bossing Vic sa bata.-- FRJ, GMA News